What are you looking for?
Featured Topics
Select a topic to start reading.
Sa dinami rami ng mga tala
Ikaw ang aking araw,
Liwanag mo ang nagpapainit ng aking simula
Ako'y buwan lamang na sa'yo mula ang angking ilaw
At sa gabi-gabing nagiisa
Ako ang buwang hinahabol-habol ka
Pagsikat mo'y aking paglubog
Pagningning ko'y iyong pagtulog
Sa bawat ikot ng aking mundo,
Sa paglipas ng segundo't mga minuto
Ako'y patuloy na tatakbo sa aking Araw
Tatakbo at susundan ang mga sinag mong nakasisilaw
Ito na ang sandali at hindi na patatagalin pa
Tayo'y naglalapit at ika'y aking abot kamay na
Sa ating pagdikit ako'y nasasapawan ng itim
Mga liwanag mo nama'y napapalitan ng lilim
Sa ating pagsasama kung saan tayo'y iisa
Di namamalayang liwanag natin ay naglaho na
Siguro ang Buwan at Araw ay hindi sa isa't isa
Ito na ang huling sandaling mahahagkan kita
Sa akin ngayon ay malinaw na
Na ang 'yong ilaw ay para sa iba
Salamat sa mga panahong tayo'y nagkasama
Nagniningning ako sa tuwa dahil ika'y masaya
Tayo ay magkikita pa sa susunod na panahon
At pagdating nuo'y muli tayong magkakasalubong
Mananatili tayo sa ating mga liwanag,
Ako para sa dilim at ikaw pagtapos ng gabi't saking paghimbing
If you see a comment that is unsupportive or unfriendly, please report it using the flag button.
More Posts
-
Pain
I like the pain I’m reminded of this every time I see the blades They lie on the table next to my bed I have to stop myself from reaching out I love r...
-
Sad and strange thoughts
So I'm just gonna vent about all the things that have happened in my life. My dad is an a**hole for leaving me when I was born. My stepdad was worse for staying...
❤️❤️❤️✨
heyo! ganda ng mga tula mo
tuloy mo lang yan!
Reply