What are you looking for?
Featured Topics
Select a topic to start reading.
ni Maxria Marxia
Eroplanong papel ay dumapo
'sang araw sa bintana ni Tonyo
Sa pagbuklat, kan'yang napagtanto
na liham, ngunit mula kanino?
.
Bumungad, "Minamahal kong Tonyo,
Pagbati mula sa aking puso.
Inaasahan kong darating 'to
na punit-punit, basa't natuyo."
.
Walang naramdaman kun'di mangha
ang lalaking kanina'y nangamba't
nagtaka, anong nakalathala
sa laong papel na mahiwaga?
.
"Nais kong iyong maintindihan,
ang pagluwas ng aking pag-ibig
mula rito sa kabilang panig
ay mistulang nagbabalik-bayan.
.
"Hindi man sanay sa paglalakbay,
ito'y ipinaglaban kong tunay
malaman mo lang na itong liham
ay ang damdamin kong sulat-kamay."
.
Unti-unti, siya ay nalinawan
Ang kan'yang mahal mula sa bayan,
sa wakas ay wari napagbigyan
ang matagal nang pagmamahalan
.
"Lubos kong ikagagalak, Tonyo,
kung hahayaan mo 'kong dumayo
sa'ting tahanan, ang ikaw't ako.
Hihintayin ko ang eroplano
na maghahatid ng sulat-kamay
mong puso.
Nagmamahal, Amparo."
- mxm
If you see a comment that is unsupportive or unfriendly, please report it using the flag button.
More Posts
-
Please Remember
Please remember, Remember the night. The night of your sorrow, Those nights every night. Please remember, That these will not cease, These nights will n...
-
To be found & forget
I built a life to protect me from myself But then you accidentally found me And all of the feelings I'd been hiding from Came, quietly at first, Until I was...