What are you looking for?
Featured Topics
Select a topic to start reading.
hi, kumusta ka na?
mag-iisang taon na simula nung huli kitang nakita. alala ko pa noon na magsasabay pa sana tayong umuwi sa huling araw na magkikita tayo. pero hindi tayo nagsabay for some reason (hindi ko na rin maalala sa tru lang). alam mo dapat pala sinulit ko na yun noh? sinulit ko na dapat lahat ng oras na mayroon ako na ipakita na mahal kita.
walang araw na hindi kita naalala or naiisip. wala ring panahon na hindi ako ngumingiti tuwing nakikita ko ulit pictures mo. ikaw pa rin nakikita ko sa mga panaginip ko.
alam mo mas mahirap sanang magmove-on at makalimot kung kaya ko magalit sayo eh. pero hindi ko naman kaya hahahahaha. hindi mo naman kasi talaga kasalanan. although sinabe mo sakin na wag kong isipin na fault ko, with every passing day and the more that i think about it, ako naman talaga may kasalanan. and ayun nga mahirap kase i can't forgive myself and patuloy pa rin akong umaasa na sana pwede pa. sana tayo pa rin.
feel ko i was too caught up on the opinions of others? andami kong tanong sa sarili ko na masyado kong pinag-aksayahan ng oras. kasalanan ko bang pinagtitinginan tayo ng iba tuwing hawak ko kamay mo? kasalanan ko bang hindi na ko makita ng family ko the same way? kasalanan ba natin? kasalanan ba tayo? and umabot siya sa point na feel ko kinailangan kong patunayan na hindi natin kasalanan. humanap ako ng mga paraan to be successful, or at least feel like it, para mapamukha sa iba na hindi naman tayo nakahadlang sa paths natin. turns out, yung "success" na hinangad ko yung nakahadlang satin. sa sobrang dami kong ginagawa, nawalan ako ng time para sa'yo. kung hindi naman ganon, lagi kang nag-aalala for my well-being. and i'm sorry.
and alam mo now that i think of it, baka ako lang yung nag-iisip na may kailangan akong patunayan. hindi lang para sa iba, kundi para na rin sa sarili ko. i found the need to convince myself na kailangan kong gawin to, kailangan kong gawin yan kase i wasn't enough. the thing is, sakin lang naman nanggaling yung thoughts na "i wasn't enough". i failed to see na you were trying your best to make me feel like i was everything. kaya naiintindihan ko rin naman kung bakit napagod ka. kung bakit naubos ka. and i'm sorry.
not gonna lie, feel ko ang pathetic na all i could say is "i'm sorry". alam kong wala nang magagawa yun kundi wag ko na lang ulitin. pero ayun na nga. magkakaroon pa ba ng pangalawang pagkakataon?
may chance pa kaya? na maging tayo ulit? alam mo dapat tinanong ko talaga yan nung nag 21 questions tayo eh. pero kahit naman walang sagot sa tanong ko, nandito pa rin naman ako ahhshajhahahaha. mahal pa rin kita. hindi ko rin alam bakit ganon pa rin kahit na wala naman na akong kinakapitan.
hindi ko alam kung anong kailangan kong gawin para maka-let go. maybe it's just time, or proper closure, or hindi ko na alam. takot nga ako na baka ikaw na lang talaga mahalin ko.
i really hope na masabi ko tong words na to sayo someday. and i hope i get that chance.
i'm sorry for making you feel anything less than you are. i loved you, and i still do.
you've made me the happiest, and i hope you were too.
If you see a comment that is unsupportive or unfriendly, please report it using the flag button.
More Posts
-
Just looking for advice
Looking for kind words of wisdom from people who have gotten out of relationships they thought they’d be in forever... looking for the light at the end of thi...
-
He can’t give me what I need
I hear you. I understand and I can’t be mad at you for that. You have to do what’s best for you. I only want what’s best for you. It’s just unfortuna...
Para kang nasa parehong sitwasyon na naranasan ko. Payo ko? Huwag hayaan ang nakaraan na makagambala sa iyo mula sa mga taong nagmamalasakit sa iyo.
Reply