What are you looking for?
Featured Topics
Select a topic to start reading.
Napapagod na 'ko. Madalas kong maisip sana ginawa ko na lang 'yon para tapos na ang lahat sa'kin. Hindi na 'ko masasaktan, sasaya o makakaramdam ng kahit ano kasi wala nang ako. Kaya lang naiisip ko yung mga magulang ko, yung mga sakripisyo na ginawa nila sa'kin, yung mga paghihirap nila pati na rin yung mga paghihirap ko.
Naiisip ko sana hindi na lang talaga ko ipinanganak, eh di sana wala ko dito, wala sanang magsusulat ng ganito. Hindi sana ako masasaktan, malulungkot, sasaya, o makakaramdam ng kahit ano kasi wala naman talagang ako. Nakakainis, nakakaiyak.
Hindi ko gusto dito, hindi ko alam kung bakit ba 'ko nandito. Wala namang saysay ang lahat. Nagsasayang lang ako ng oras, naghihintay lang ako na magbago ang buhay ko. Kailan ba talaga ko mabubuhay ng totoo, ng masaya? Paano ko ba sasabihin o ipapaintindi sa magulang ko na nagbigay ng buhay sa akin na nagsisisi ako na pinanganak ako.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ako ganito, pero alam ko na kakayanin ko 'to. Mahahanap ko rin yung sagot sa tanong ko, sasaya din ang buhay ko. Para sa pamilya, para sa sarili.
If you see a comment that is unsupportive or unfriendly, please report it using the flag button.
More Posts
-
this is just so frustrating
I hate the fact that I'm still searching for love in people that never cared about me idk why tf I'm going to talk to people while no one appreciates me and gir...
-
scared, tw/mental illness
my grandma was a psychotic schizophrenic as it runs in my mothers side, sometimes i tend to show symptoms of this illness (voices, random blank stares, v mild d...
KAYA!!!
Reply11 months na pala yung nakalipas. Sobrang hirap pero nandito pa rin ako iniisip at hinahanap yung saysay ng buhay ko. Nakakainis na mag-iisang taon na yung nagdaan pero hanggang ngayon wala pa ring nagbabago. Malungkot pa rin ako at hindi alam kung anong landas yung tatahakin. Ginagawa ko naman yung makakaya ko ah pero bakit ganito pa rin?
ReplyAkalain mo 'yon, ang layo na nang narating na'tin. 2 years na simula noong una kang magsulat dito.
Alam mo kung anong hinihiling ko? Sana I was there with you noong panahong kailangan mo ng suporta at pang-unawa, sana I was there to comfort you and masabi ko na tiwala lang, kaya mo 'yan, na magiging maayos rin ang lahat, na I will always be there with you at sasamahan ka hanggang kaya mo na, na 'wag kang mag-alala dahil pagsubok lamang 'yan. Na okay lang magkamali, okay lang kung hindi mo alam yung gagawin, okay lang sumubok at matalo. Alam kong sa mga panahong 'yan ay natatakot ka at kailangan mo ng balikat na masasandalan para maramdaman na hindi ka nag-iisa, I really wish that I was there to ease your mind.
Ang dami nang nagbago, ngayon hindi ko na iniisip kung ano ba yung dahilan kung bakit ako nandito kasi napagtanto ko na na hindi ko kailangang hanapin 'yon instead I should have been focusing on creating memories and spending time with family and people that matters to me, kasi 'yon naman ang mahalaga di 'ba?
May mga nagbago man pero mayroon pa ring nanatili, hanggang ngayon hindi pa rin tayo masaya. Hindi ko pa rin alam kung ano yung landas na dapat nating tahakin pero ang masasabi ko lang sayo ng sigurado, makakarating tayo roon. Magtiwala ka lang, maiba man yung landas nating tatahakin ay mararating pa rin natin yung nais nating patunguhan.
You should be proud of yourself kasi sa dami ng mga problema ay kinaya mo, ang tatag mo dahil alam kong sa panahong 'yan pakiramdam mo nag-iisa ka lang at walang nakakaintindi sa'yo. Thank you kasi hindi ka bumitaw. Ngayon ang layo na ng narating natin, may mga balakid man akong kinakaharap ngayon pero kakayanin ko 'to kasi alam ko kung gaano ka naghirap makarating lang ako kung nasaan man ako ngayon. Hindi kita bibiguin. Hindi man tayo masaya ngayon but I promise someday we will.
Before this end, I want to remind you that you are not alone, you have your family you can rely on, you are definitely love. And everything you are doing is worth it, hindi mo man nakikita 'yon but it is. I wish I can tell you you succeed and you get what you dream of. Just trust the process and yourself, everything will be alright. You are strong and brave.
Reply