What are you looking for?
Featured Topics
Select a topic to start reading.
Dear Ex,
Minahal kita, minahal kita ng sobra-sobra. Ang dami mong pagkukulang. I always have to ask you for the bare minimum. Tanga ko na nagstay ako sayo, kahit na una pa lang wala ka ng kwentang boyfriend. Pero mahal kita kahit hindi mo magawa at maibigay sa akin ang mga bagay na normal para sa nagmamahalan, para sa lalaki na pinapahalagahan ang babae.
Galit ako sayo, kasi noon pa man nakikipaghiwalay ako, lagi kang "ayaw", nangako ka na balang araw magagawa mo rin mga alam mong inaasahan ko sayo. Nakatapos na tayo at nagsimulang magtrabaho hindi mo pa rin ginagawa. Kailangan ko palagi na sabihin pa sa iyo, na ipakiusap at halos ipagmakaawa pa.
Pero kahit ganoon, minahal pa rin kita. Patuloy kitang minahal at ako ang gumagawa ng paraan para magkasama tayo, para may mga memories tayo na mabuo dahil wala akong maasahan sayo na magyaya para kumain man lang sa labas, o mag-movie date sa bahay niyo. Hindi ka pumupunta sa amin para magtagal at makisama sa pamilya ko. Palaging ako ang pumupunta sa inyo, yung sunduin ako bilang respeto lang sa magulang ko at sa akin bilang babae isinumbat mo pa sa akin.
Tapos niloko mo ako, paulit-ulit ka na nagpapapansin sa ibang babae. Nagmemessage sa kanila, tinatadtad sila ng likes. Hanggang sa umabot na talaga sa panloloko, naglalandian kayo ng mga babae mo. Hindi man sila sabay-sabay, pero paulit-ulit kitang nahuhuli. Paulit-ulit din ako nakikipaghiwalay pero lagi kang "ayaw", lagi kang nangangako na hindi na mauulit, at lagi rin kitang pinapatawad. Hindi kita matiis, kaunting suyo lang "i love you" na ulit agad, wala kang ginagawa na effort or gesture para ipakitang sincere ka pinapatawad na kita. Mas natatakot ako na pag hindi kita agad pinatawad titigil ka. Kasi ganoon ang pinaramdam mo sa akin. Na hindi ako ganoong kahalaga sayo kaya hindi pwedeng maging pakipot dahil kayang-kaya mo kong palitan.
Kahit na ilang beses mo ako niloko, sinuyo, pinatawad. Sa huli ikaw pa rin ang nakipaghiwalay. Sinabi mo ayaw mo na, gusto mo pa ng ibang babae, hindi ka na masaya, sawa ka na, sumusuko ka na.
Nagmakaawa ako sayo, naghabol, pero binaliwala mo ako. Tinapon mo lahat, tinapon mo ng ganun-ganun lang. Bakit? Bakit ngayon lang? Bakit ngayon pa na nasa tamang edad na tayo, na buo na mga pangarap nating magkasama? Bakit hindi pa noon, bakit ka paulit-ulit na umaayaw sa tuwing nakikipaghiwalay ako ganoong noon pa naman alam na nating dalawa na hindi ka na masaya sa akin kaya mo nga ko nagawang lokohin.
Ang tanga ko na paulit-ulit kita pinatawad, ang tanga ko na nagstay ako sayo. Binigay ko lahat sa iyo, kasi mahal na mahal kita. Ginawa ko lahat ng alam kong makakapagpasaya sayo at sa pamilya mo. Araw-araw kitang pinili kahit na ang hirap hirap mo mahalin. Dahil wala kang ibinibigay na rason para mahalin kita bukod sa pagtanggap mo sa akin.
Pero, sa palagay ko hindi mo talaga ako tanggap bilang ako. Kasi sa bawat panloloko mo at hanggang sa huli na nakipaghiwalay ka. Hihingi ka ng tawad pero may kadugtong na bakit mo iyon nagawa. Somehow you always put the blame on me. Na ako yung may pagkukulang, na ako yung mali. Hindi ba noon pa man, klaro ko sinabi sa iyo ano expectations ko sa relationship, sinasabi ko sayo mga ayaw at gusto ko. Pero hindi mo iniintindi. Hindi ba ang unfair naman na iyon ang idadahilan mo sa akin? Hindi ba mali pa rin na niloko mo ako, niloko mo ako ng paulit-ulit? Kahit na ano pa ang sabihin mo na masama tungkol sa akin, kahit pa sinasabi mo na ugali ko problema. Mali pa rin na niloko mo ako, mali na pinaulit-ulit mo pa. Mali na lagi kang humihingi ng tawad pero inuulit mo lang at ako sisisihin mo.
Pero mahal pa rin kita, kahit na may iba na tayong dalawa. Kung sinabi mo lang din na mahal mo pa ako, kung bukod sa salita pinakita mo, ipinaramdam mo sa akin na totoo na lahat ng sinasabi mo. Na sincere ka sa paghingi ng tawad at pagbabago, na kahit matatagalan ulit mabuo ang tiwala ko sayo, na maibalik ang dating pagmamahalan natin handa kang manligaw ulit. Ikaw pa rin ang pipiliin ko.
If you see a comment that is unsupportive or unfriendly, please report it using the flag button.
More Posts
-
the person on the tree branch
as i am sitting on a tree branch of an old oak, i begin to think life has so much more to offer than you know even if right now it does not feel like it i p...
-
my life (trust issues ) part 01
It all started when I was of young age nobody knows any of my secrets but now I am released out in the world and setting myself free. I am not a good person now...