What are you looking for?
Featured Topics
Select a topic to start reading.
confession
5 years ago · 0
728
noong nagustuhan kita
may nakalimutan akong mga kataga
kataga na paulit-ulit kong naririnig
katagang paulit-ulit na hinihimig
katagang paulit-ulit kong binabanggit
nakalimutan ko ito ng pansamantala
nakalimutan ko ang aking halaga
akala ko ayos lang na ipagwalang bahala
akala ko ayos lang na binabalewala
akala ko ayos lang na manglimos ng atensyon mo
akala ko ayos lang
ayos lang na mapagod ako
ayos lang na maubos ako
ayos lang na saktan mo ako
akala ko kaligayahan mo ang magiging kaligayahan ko
akala ko lang pala
dahil habang tumatagal lumalalim ang aking nais
habang tumatagal ayaw na kitang umalis
habang tumatagal hindi na ako nakukuntento
habang tumatagal pinapangarap ko na ako naman ang piliin mo
habang tumatagal nagmamakaawa ang nararamdaman ko
habang tumatagal
napapagod ako
nauubos ako
nasasaktan na ako
bakit nakalimutan pa ang mga kataga na nasa dulo na ng aking dila
.
.
.
"wag kang mag-alala
hindi ko ipipilit sa'yo"
*narinig ko lang yung kantang torete ata yun at naalala ko na naman kung paano ko pilit na pinaglapit ang mga puso nating puno na ng pait*
January 09, 2018
7:22 pm
M
If you see a comment that is unsupportive or unfriendly, please report it using the flag button.
More Posts
-
To you SH
We broke up after 2 years and that is from meeting everyday. Iām sorry for everything esp the fact that I want us to break up for my future. For what I want t...
-
Serendipity
When I was 6, I told my doctor I wanted to become someone like him and save lives. When I was 13, I told my mom I wanted to become a lawyer to defend the innoce...