What are you looking for?
Featured Topics
Select a topic to start reading.
Lagi mo na lang ako kinocontrol, kahit noong bata pa ako. Kahit ngayong college na ako ganun pa din ginagawa mo. Pati kung kailan ako magkakaboyfriend. Puro ka pananakot sakin. Pag may gusto akong gawin. Laging may negative implications.
Pinipilit mo din yung gusto mo, kung ano sa tingin mo dapat para sa akin. Pinipilit mo ako mag-exam, ayoko nga sabi ko. Hindi ako takot mag-exam. Hindi ko gagawin ang isang bagay, kung wala akong purpose at goal for myself. Hindi ko gagawin para sayo. Para sakin. ilang beses ko na sinabi sayo. Sabi mo "Para sa future ko". Ano bang alam mo sakin? Hindi mo alam kung anong gusto ko sa buhay. Hindi mo nga alam kung anong gusto ko maging. Hindi mo nga alam kung anong dahilan kung bakit ako nagshift ng course.
Hindi mo din ako maintindihan noong bata pa ako at ngayon dala-dala ko padin. Lagi nila at ikaw sinasabihan na ang tahimik at mahinhin ako. Narealize ko pala introvert ako. Hindi mo din alam yun. Kapag may gusto akong sabihin, magsasalita ako. If not, then hindi. Ang problem ako lang bat hindi mo ako in-accept kung ano talaga ako?
Bakit noong nagsabi ako sayo ng problema ko. Ang sagot mo "hindi ka kasi nagdadasal, hindi ka kasi nagpapasalamat." Alam mo din ba na atheist na ako?
Ang pag-aaruga mo sakin lagi mo pinapaala, na dapat suklian ko? Hindi ba gawain mo yun? Bat kailangan laging may kapalit. Puro ka dapat bilin mo ko neto, bilin mo ako niyan. Lagi kang may nakikita at hindi nakukutento kung ano meron ka, gusto mo meron pa. Hindi ko alam kung nagpapasikat ka sa kapit-bahay natin. Sasabihin mo sakin ginagaya tayo ni ganto oh. Nagpagawa din sila ng ganto. Lagi ka may nakikitang dapat baguhin at pinupuna mo din yung mga tao nasa paligid mo.
Hindi ka kasi nagsisikap, ngayon ipapasa mo sa akin yung mga gusto at pangarap mo. At ikaw naman maganda na trabaho mo dito. tapos nag-abroad ka pa. Hindi ko alam kung nainggit ka ba sa kasamahan mo? Ngayon nasa mababang posisyon ka na. Sabi mo nag-abroad ka para magkaroon kami ng magandang edukasyon at bumili ng sasakyan. Magagawa mo naman yun ah. Noong nandito ka pa. Masyado kang ambisyoso. Iiwan mo ang anak mo para sa sandaliang sarap st hindi long-term goal ang ambition mo. Kung bags para ka lang nagbakasyon. ngayon, umuwi ka back to zero.
**Yun pala pati yung nga kapatid mo at magulang mo tinutulungan mo kaya nabaon ka sa utang.
Bakit bata pa ako minulat mo ako sa kagaguhang ginawa mo. Lagi mo kinuwkento sakin yung nga imoral na gawa mo.ilang beses mo din pinaulit ulit na iiwan mo siya. Hindi mo magawa kasi wala kang trabaho. Puro ka salita. Puro ka threaten. Inakusahan mo din siya na nagcheat. Sabi mo babawi ka din? Hindi ko nga alam kung totoo yun. Na-brainwash ako sa pinagsasabi mo. Sabi mo normal lang sa mag-asawa mag-away, eh kung paulit-ulit niyong pinag-aawayan yung isang bagay. Hindi ba't hindi na normal yun?.
Gusto ko mamuhay ng independent, kung mag-fail man ako atleast alam ko sa sarili ko na ginawa ko ang best ko.
Kung bibigyan man ako ng pangalawang buhay sana, ang magulang ko maunawain, mas better na parents. Dapat aware sila sa mental at emotional. Magsikap sila hindi ipapasa ang obligasyon sa anak.at hayaan akong maging independent.
If you see a comment that is unsupportive or unfriendly, please report it using the flag button.
More Posts
-
Another Weekend
Of loneliness and no casual hookups because no one wants to risk getting sick with the new variant floating around. Married people are rejoicing in that they ha...
-
Third year
So we are entering the third year of this pandemic. My company has switched to working from home for the next few weeks to assess the situation of the omitting...