What are you looking for?
Featured Topics
Select a topic to start reading.
Gusto ko lang naman magtrabaho ng tahimik. Alam ko galing kami sa iba't ibang lugar kaya magkakaiba kami ng pag uugali. Ginagawa ko ng maayos ang trabaho ko and never ako nakielam sa trabaho ng iba o maliitin ang trabaho ng iba. Pinaka ayoko yung dinidiktahan ako kung ano gagawin ko sa trabaho ko dahil magkakaiba kami ng machine at process. Ang set up sa work place ko ay per line. Bale sa line magkakaiba kami ng process. Unawa ko naman na hindi rin biro trabaho nila. Mas lalong hindi biro ang trabaho ko kasi ang dami dami kong ginagawa. Napunta pa ako sa linya na Ang mga tao ay palaihi.kaya no choice ako kapag maraming gngwa ang line leader o Wala sila ,ako napwesto sa machine nung umihi.ang masaklap pa. Madalas sunod sunod sila ,pagbalik nung Isa , Yung Isa Naman iihi. Ending natatambakan na ako lalo ng gagawin dahil sa kanila ,pag minalas malas pa at d naman ako qualified sa process nila ,ma audit pa ako ng auditor. Eh d pareho kami ng line leader ko malilintikan. Yung process ko ay parang ako yung natayong leader sa line, kumbaga sa Jeep Hindi tatakbo kung walang driver. Ako dapat ang masusunod. Pero kabaliktaran,dahil sila dinidiktahan ako sa gingawa ko, may Isa pa nagsabi sa akin na pag negative ay hayaan na lang. Ako Kasi Ang nagtutuos ng output o nagagawa nila per hour. Nagpanting Ang tenga ko At nainis sa sinabi nya. Wala siyang pakielam sa output. Wala siyang konsiderasyon. Kaya hanggang ngayon hindi ko siya kinikibo. May ka line pa ako na 10 years na sa company at sobra ng tigas ng pagmumuka. Araw araw over break. wla akong choice kundi pumwesto sa machine nya habang Wala pa sya kesa mag negative output nila.tapos dami nya reklamo ,napaka reklamador sa madaming bagay pero ayaw Naman nya ayusin trabaho nya. Ang dami ko na tiniis sa mga taong Yun. Madalas pa may antok ,nabagal Ang galaw nila.,minsan natigil pa kapag nkakatulog na. Need ko Sana ng advice. Kasi feeling ko napagtutulungan na ako sa line. Wala naman akong ginagawang masama, Yung lage over break ,inis kami lahat dun. Pero nung d na kami nagkikibuan nung Isa ,ngayon daig pa nila mag best friend kung magtawanan. Pag nag uusap natigil pa at nalapit sa kinakusap. Naaapektuhan output nila dahil sa gngwa ng babaeng matigas Ang muka na Yun. Naiinis lang ako kasi mahilig mag back stab ang thick face na yun ,kilala Naman siya sa pagiging ganun ang ugali, pero ako ayaw ko ng gngwa sken Yun,Lalo nat sila Naman Ang may kasalanan sken. Matatanda na kmi Kaya wla ko sa plano isumbong sila sa line leader. Basta ako, pag trabaho , trabaho na Lang. Pero minsan , naaapektuhan ako sa ginagawa nila pagpaparinig. Naisip ko ,dko deserve mga walang kwentang taong to. Sana pag nagpalit palit na ng schedule Ang papalit sken ay matapang para mkhanap sila katapat nila. Ayaw ko na pumwesto dun. Paki enlighten Naman po ako please. Need ko lang na pampagaan ng loob kasi nahihirapan ako mag pretend na trabaho na Lang Ang atupagin. At Hindi sila. Naaawa na ako sa sarili ko , dahil Yung Isa kala mo na Kung Sino makaasta dahil nagagatungan ng iba. Imbis maisip Ang kamalian nya Kaya dko na siya kinikibo ,pero parang ako nalabas na mali Kasi nasususulsulan siya ng thick face na yun na dati Naman nya kinaiinisan. Ayaw ko na mag antay ng karma. Unfair Naman ng mundong to.hindi patas. Ang gusto ko lang masasandalan at pampagaan ng loob. Payo na lalakas ng loob ko na balewalain ang mga katrabaho na sarili lang ang iniisip.
If you see a comment that is unsupportive or unfriendly, please report it using the flag button.
More Posts
-
Relationship
I'm 28 years old man. Never had a relationship. I want one, and sometimes I feel like I shouldn't have one. I might be overthinking this, and I'm too sensitive,...
-
sorry, i don't have someone to talk, so i just want to share my feelin...
isn't it funny when you said to people that you are not busy and you have a leisure time, "people" around you just come and want to using you to solve...