What are you looking for?
Featured Topics
Select a topic to start reading.
When I was young favorite color ko talaga ang black, most of my things are color black pero hindi ako malungkuting bata, I'm from a broken family tapos tita ko ang nagpapaaral sa akin pero okay lang talaga ako, masayahin at maingay pero black ang hilig ko. Pero nitong nagcollege na ako, nawala na ang hilig ko sa color black, napaltan na iyon ng mga happy colors, kaso kung kailan naman ako nahilig sa happy colors saka naman naging madilim ang buhay ko. Ngayong tumanda ako saka nagsink in sa akin ang mga problema ko sa pamilya, ngayon ko nararanasan ang hirap ng hindi pagkakaroon ng kumpletong pamilya, ngayon ako sinisingil ng mga problemang tinakasan ko nung bata ako, ngayon ko narealize at nararamdaman na may hidden trauma pala ako sa ibang taong nasa paligid ko at kung kailan ako nahilig sa happy colors saka nagsunod-sunod ang mga problema ko, pero walang nakakaalam sa pamilya ko tungkol sa nararanasan kong ito, mabuti na lang may ilan akong kaibigan na napagsasabihan ko.
Isa akong Psych student at nagkaroon kami ng activity sa room, nagkaroon kami ng sharings at masyado akong naging open book, nag breakdown ako sa harap ng klase. Matapos iyon nagkaroon kami ng debriefing kung saan sa isang illustration board ilalabas namin ang lahat ng sama ng loob namin dun sa pamamagitan ng pagkukulay, kami ang bahala kung anong kulay ang ilalagay namin ang mahalaga mailabas namin lahat ng sama ng loob na dinadamdam namin. Sa dami kong iniiyak sa loob ng room na iyon ending "indenial" pa din ako sa lahat, kasi puro happy colors pa din ang kulay ng illustration board ko. Hindi umaakma sa kung anong tunay na nararamdaman ko🙃
If you see a comment that is unsupportive or unfriendly, please report it using the flag button.
More Posts
-
Colors
I HATE THE COLOR WHITE AND GREY. I hate that everything is going modern minimalist, I hate modern grey/white/black boring architecture, it makes me wanna throw...
-
Stuck in White
White signifies purity, something without harm, anything good. White makes you feel safe, it makes you feel clean, it makes you feel like you're at the top. Whi...